NAGHAHANDA na ang gobyerno ng contingencies upang matiyak ang kaligtasan ng humigit-kumulang 300 Pilipino na na-trap sa Sudan dahil sa patuloy na sagupaan sa north African country.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa isang video message na inilabas ng Presidential Communications Office nitong weekend.
Sa isang pahayag, sinabi ni Pangulong Marcos na ginagawa na ng pamahalaan ang mga plano sa paglikas para agad at ligtas na mailikas ang mga Pilipino palabas ng Sudan.
Inilahad pa ng Pangulo na na ang gobyerno ng Pilipinas ay kumukuha na ngayon ng higit pang impormasyon ‘on the ground’ upang mas mapaghandaan at mabilis na mailabas ang mga Pilipino sa strife-torn country.
Ang in-fighting sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at ng Rapid Support Forces paramilitary group ay nagsimula noong Abril 15, 2023.