Pamahalaan, maglalaan ng subsidiya para sa PUV drivers

Pamahalaan, maglalaan ng subsidiya para sa PUV drivers

POSIBLENG magbigay ng tulong pinansyal o subsidiya sa sektor ng pampublikong transportasyon kung hindi man maaprubahan o sapat ang pagtataas ng pamasahe.

Ito ay upang mapigilan ang pinsalang dulot ng pagtaas ng presyo ng mga produkto ng petrolyo ayon mismo sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, ang sanhi ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gas ay dahil sa kakulangan din ng supply ng krudo sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Executive Director Joel Bolano, ang posibleng minimum fare hike para sa public transport ay nasa 1.26 piso base sa kompyutasyon ng ahensya.

Samantala, ang public utility group naman na Pasang Masda ay inaasahang magpasa ng petisyon na humihingi ng 3 pisong pagtaas sa minimum fare.

 

SMNI NEWS