Pamahalaan namimigay na muli ng panibagong fuel subsidy

Pamahalaan namimigay na muli ng panibagong fuel subsidy

NAMIMIGAY na muli ang pamahalaan ngayon ng fuel subsidy para sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Sa mga driver ng modern jeepneys at modern UV Express, P10,500 ang ibibigay sa kanila na ayuda.
P5,000 para sa mga driver ng tradisyunal na jeep, tradisyunal na UV Express, mga mini bus, public utility buses, at Philcabs.
P4,500 naman para sa mga driver ng tourist transport services, shuttle services, school services, at sa mga taxi.

Target na makumpleto ang pamamahagi nito sa ikalawang quarter ng taon ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Maliban sa mga pampublikong sasakyan, bibigyan din ng one-time cash grant na fuel subsidy ang tricycle drivers na nagkakahalaga ng P1,100 at delivery riders na nagkakahalaga ng P2,500.

Sa kabuuan, mahigit isang milyon ang makakabenepisyo nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble