Public transportation system ng Davao City, magiging makabago sa ilalim ng DPTMP

Public transportation system ng Davao City, magiging makabago sa ilalim ng DPTMP

MAGIGING makabago na ang public transportation system ng Davao City sa mga susunod na buwan o taon.

Ito’y kasunod ng isinagawang ceremonial loan agreement signing para sa Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) sa pagitan ng Department of Finance (DOF) at Asian Development Bank (ADB) sa lungsod ng Davao nitong weekend.

Sa ilalim ng naturang proyekto, nasa 1,105 modern buses ang papasada sa 29 na ruta sa mga pangunahing lugar sa Davao City hanggang Panabo City sa Davao del Norte.

Ang proyekto ay ipatutupad sa ilalim ng Build Better More Infrastructure Project ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ang isinagawang agreement signing ay pinangunahan nina Pangulong Marcos at VP Sara Duterte, kasama sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista, Special Assistant to the President (SAP) Anton Lagdameo, Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, Davao City Mayor Sebastian Duterte, at ADB President Masatsugu Asakawa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter