Pamahalaan ni Revilla pinakikilos ang DPWH sa epekto ng Bagyong Enteng

Pamahalaan ni Revilla pinakikilos ang DPWH sa epekto ng Bagyong Enteng

IPINAG-utos ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr., Chairman ng Senate Committee on Public Works, sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad na ipadala ang mga tauhan nito upang linisin ang mga debris at basura sa mga kalsada at drainage inlets.

Ipinag-utos ni Revilla ang hakbang na ito sa gitna ng mga pag-ulan dulot ng Bagyong Enteng.

“Dahil sa malakas na hangin, nagkalat ang mga debris tulad ng mga sanga, dahon, at basura. ‘Yan ang siguradong babara sa drainage kaya ‘yan dapat ang kailangan linisin agad,” paliwanag niya.

Binibigyang-diin ng mambabatas ang pangangailangan na mapanatiling malinis ang mga daluyan ng tubig para hindi maipon ang tubig at mabilis na humupa ang tubig sa mga lugar na madaling bahain.

Hinikayat din ni Revilla ang DPWH na suriin ang mga tarpaulin billboards na maaaring magdulot ng panganib dahil sa malalakas na hangin.

“Dapat ibinababa na muna ang mga naglalakihang tarpaulin kapag malakas ang hangin. Napakalaking pinsala ang maaaring idulot niyan kapag nilipad ng hangin,” paliwanag ni Revilla.

Palaging pinapaalalahanan ni Revilla ang mga ahensiyang pang-gobyerno na maging handa at maagap sa pag-aasikaso upang mapagaan ang epekto ng mga natural na kalamidad tulad ng mga bagyo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble