Pamamahagi ng COVID-19 allowance ng health workers, suspendido

Pamamahagi ng COVID-19 allowance ng health workers, suspendido

SUSPENDIDO na muna hanggang sa Mayo 11, 2025, ayon sa Department of Health (DOH), ang pamamahagi ng hindi pa nababayarang COVID-19 allowance ng mga health worker.

Bilang pagsunod ito sa resolusyon ng Commission on Elections (COMELEC) kung saan ipinagbabawal ang paggamit at paggasta ng pampublikong pondo bago ang midterm elections sa Mayo.

Kasama na rin sa sinuspinde ang pamamahagi ng COVID-19 sickness at death compensation claims.

Sa kabilang banda, noong Disyembre 12, 2024, ay naiulat na tumaas ang kinakailangang pondo para sa public health emergency benefits and allowance ng COVID-19 frontline workers.

Mula sa P103.5B ay umabot na ito ng P110.30B.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble