Pamamahagi ng livelihood assistance sa rice retailers, tatapusin ng DSWD ngayong araw

Pamamahagi ng livelihood assistance sa rice retailers, tatapusin ng DSWD ngayong araw

TARGET ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matapos ang pamamahagi ng livelihood assistance sa mga apektadong magsasaka ng palay ngayong Huwebes, Setyembre 14.

Ito ay bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na pabilisin ang payout at pagsunod na rin sa polisiyang pagbabawal sa paggasta sa panahon ng halalan.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na sa kabila ng itinakdang petsa ay nag-apply sila ng exemption sa Commission on Elections (COMELEC) mula sa naturang spending ban.

Sinabi ni Gatchalian na target nilang matapos ang payout sa lahat ng highly urbanized na lungsod at rehiyon bago ang kanilang ipinataw na deadline.

Nangako naman ang kalihim na ipagpapatuloy ang pamamahagi sa mga lugar kung saan nabigo ang mga benepisyaryo na makatanggap ng tulong.

Sa kabilang dako, hiniling naman ni Gatchalian sa mga maliliit na retailer ng bigas na subaybayan ang schedule ng payout sa kanilang lugar upang hindi sila makaligtaan sa pamamahagi ng cash assistance.

Samantala, tiniyak ni Gatchalian na may sapat na pondo sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP), isang regular na programa ng ahensiya para mabayaran ang halaga ng tulong para sa mga retailer ng bigas sa buong bansa.

Sa ilalim ng SLP, ang mga benepisyaryo na tinukoy ng Department of Trade and Industry (DTI) at iniendorso sa DSWD ay tatanggap ng seed capital na P15,000.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble