62% ng mga Pilipino ang naniniwala na nasa tamang landas ang pamahalaan sa ilalim ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Base ito sa pinakahuling Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research.
Nasa 20% naman ng mga sumali sa survey ang hindi bilib sa palakad ng pamahalaan.
Sa lahat ng mga rehiyon na tinanong, ang mga taga-Mindanao (70%) ang pinakananiniwalang nasa tamang direksiyon ang pamamahala sa bansa.
Sinundan ito ng mga taga-Metro Manila (69%), Visayas (58%) at Balance Luzon (57%).
Sa 20% na hindi bilib sa pamahalaan, pinakamarami ang naitala sa Visayas (23%).
Ginawa ang survey nitong September 30 – October 4, 2023 sa 1,200 respondents edad 18-anyos pataas sa iba’t ibang bahagi ng bansa.