SISILIPIN ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang insidente ng pamamaril ng pulis na ikinasawi ng dalawang indibidwal sa Malabon.
Ginawa ni Acorda ang pahayag kasunod ng pagdalo sa Peace Symposium ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ayon kay Acorda, tinitignan nila kung hanggang saan ang nalalaman ng matataas na opisyal sa insidente.
Kasalukuyan aniyang gumugulong ang imbestigasyon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang mabigyan ng linaw ang nangyari.
Nauna nang ipinag-utos ni NCRPO Regional Director Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon laban kay Patrolman Zenjo del Rosario, miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Malabon City Police Station.