LAYUNING maipakita ng “Maid In Malacañang” sa publiko na walang Pilipinong likas na masama ayon kay Direk Darryl Yap.
Paliwanag ni Direk Yap sa panayam ng SMNI News, maling-mali na ang kapwa Pilipino ang sisira sa kapwa nitong Pilipino kaya malaking instrumento ang kanyang pelikula na iwaksi ang ganitong konsepto.
Binigyang-diin naman ni Yap na marami siyang kakilala na magpapatotoo sa mga pangyayari na ipinakita nito sa “Maid In Malacañang.”
Samantala, naniniwala si Yap na uhaw ang mga tao sa bersyon ng kwento ng pamilya Marcos hinggil sa kasaysayan kung kaya’t tinangkilik ng maraming Pilipino ang kanyang pelikula.
Naihirit pa ni Direk Darryl, gaya ng pamba-bash ng ilan sa SMNI News, imbis na mabawasan ang manunuod ng kanyang pelikula, mas naengganyo pa ang mga ito na suportahan ang “Maid In Malacañang.”
Ang palabas na “Maid In Malacañang” ay isa lamang sa tatlong installment na gagawin ni Yap patungkol sa buhay ng pamilya Marcos.
Sa pangatlong installment ay ipapakita na nito ang transformation ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.