Pamela Baricuatro pormal nang nanumpa bilang ika-25 gobernador ng Cebu Province

Pamela Baricuatro pormal nang nanumpa bilang ika-25 gobernador ng Cebu Province

ISANG makasaysayang kaganapan ang nangyari umaga ng Huwebes, Mayo 22 dahil mahigit isang buwan ang aga ng panunumpa ni Cebu Governor-elect Pamela Baricuatro.

Si Baricuatro, na nagwagi nitong 2025 midterm elections sa ilalim ng PDP-Laban, ay nanumpa ng katapatan sa harap ni Judge Anna Marie Militante, na siyang nagmarka ng opisyal na simula ng kaniyang termino sa unang araw ng Hulyo ngayong taon.

Dinaluhan ang naturang seremonya kasama ang ilang malalapit na kaibigan, pamilya, at transition team.

“Absolutely we are entering to the new era of One Cebu Island leadership,” pahayag ni Gov. Pamela Baricuarto, Cebu.

Inilahad ni Baricuatro ang kaniyang mga pangunahing prayoridad para sa darating na termino, kabilang ang pagpapabuti ng kalusugan na matagal na aniyang napag-iwanan.

Nagbigay rin ng mensahe si dating Tourism Secretary Ace Durano na siyang magiging Special Adviser for Economic & Political Affairs ni Baricuatro sa kaniyang pamumuno.

“Ngayon, pagtulungan natin [ito] para makarating sa karamihan lalung-lalo na itong programang pangkalusugan,” ayon kay Ace Durano, Former Secretary, Deparment of Tourism.

Samantala, ayon naman kay Atty. Edmund Lao, Head ng Transition Team, pinaaga nila ang oathtaking dahil ito ang naging sentimiyento ng karamihan para sa ikabubuti ng lalawigan ng Cebu.

“Oathtaking this morning was intended to set a clear message that she is to perform her duty as governor-elect particularly because of the sentiment spread in the ballot for her to lead the journey of Cebu for a better province,” wika ni Atty. Edmund Lao, Head, Transition Team.

Ang bagong liderato ng Cebu ngayon ay umaasa na ito’y magiging tagapagdala ng positibong pagbabago at patuloy na pag-unlad sa lalawigan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble