Pamilya ng dinukot at pinatay na si Anson Que itinanggi ang kaugnayan nila sa POGO 

Pamilya ng dinukot at pinatay na si Anson Que itinanggi ang kaugnayan nila sa POGO 

ITINANGGI ng pamilya ng pinakahuling biktima ng kidnapping sa bansa na si Anton Tan o Anson Que, at iginiit nila na wala silang anumang koneksiyon sa POGO na una nang sinasabi ng PNP batay sa kanilang paunang imbestigasyon.

Sa opisyal na pahayag ng legal counsel ng Pamilya Tan, kinontra nito ang mga alegasyon na sangkot sa POGO transaksiyon ang kanilang ama at wala rin silang rental property sa Bulakan.

Ayon sa Pamilya Tan, tanging mga lehitimong negosyo lamang ang inaasikaso nito sa maraming dekada.

Sa katunayan, miyembro si Anton Tan o Anson Que ng Filipino-Chinese business community at kilala rin ito sa pagkakawanggawa.

Kailanman anila ay hindi nito pinili ang gumawa ng anumang ilegal sa pagnenegosyo nito.

“The family of the late Anson Tan firmly disputes allegations that their father was involved in POGO transactions. They have no rental property in Bulacan to speak of.”

“Mr. Tan has been engaged in legitimate business for decades and is a stalwart member of the Filipino-Chinese business community and is known for his charitable work. During his lifetime, he stayed away from shady dealings and only did business with people he knew and trusted,” pahayag ni Atty. Jose Christopher “Kit” Belmonte, Counsel ng Pamilyang Tan.

Sa huli, nakikiusap ang Pamilya Tan sa publiko na huwag basta-bastang maniniwala sa mga kumakalat na impormasyon at mga balita patungkol sa isyu ng POGO bagamat patuloy na makikipagtulungan ang pamilya sa kapulisan sa gitna ng isinasagawang tahimik na pag-iimbestiga sa pagkamatay ng kanilang kaanak.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter