Pampublikong sasakyang sumailalim sa smoke emission test ng MMDA nitong Agosto, maraming bumagsak

Pampublikong sasakyang sumailalim sa smoke emission test ng MMDA nitong Agosto, maraming bumagsak

MARAMING mga pampublikong sasakyan ang bumagsak sa roadside smoke emission test nitong Agosto, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa MMDA, base sa datos noong Agosto, nasa 314 pampublikong sasakyan ang sumailalim sa smoke emission test na ginagawa upang masukat ang dami o kapal ng usok na nagmumula sa tambutso ng isang sasakyan sa pamamagitan ng opacimeter.

Sa nasabing bilang, 121 ang pumasa sa smoke test habang 193 ang bumagsak.

Ang regular na operasyon ng MMDA Anti-Smoke Belching Unit laban sa mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok ay bilang pagtugon sa Republic Act 8749 o Philippine Clean Air Act of 1999.

Dito nakasaad na ipinagbabawal na ibiyahe ang mga sasakyan na nagbubuga ng maitim na usok.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble