Panahon ng tag-init hindi pa opisyal na idinedeklara ng PAGASA

Panahon ng tag-init hindi pa opisyal na idinedeklara ng PAGASA

BAGAMAN hindi pa opisyal na nagsisimula ang panahon ng tag-init sa Pilipinas dahil sa may presensiya pa ng Northeast Monsoon o Amihan, ay nagpapalabas na ng heat index forecast ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ito’y para ma-monitor ang nararanasang init ng panahon at kung ano ang maaaring gawin lalo na kapag nag-umpisa na ang panahon ng tag-init.

Ayon kay Analiza Solis, chief ng PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section, ang heat index ay ang nararamdamang init at alinsangan sa katawan ng tao dala ng mainit na panahon.

”So ito rin ang tinatawag na “init factor”, “feels like”, “damang init”, o “apparent temperature”. So tinutukoy nito ‘yung level of discomfort ng isang tao na nakaka-experience nung combined effect nung temperature o nung alinsangan na iyon,’’ ayon kay Analiza Solis, Chief, PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section.

Ani Solis, hindi nasusukat ang heat index sa pamamagitan ng paggamit ng isang aparato o instrumento kundi ito’y kino-compute base sa temperatura sa paligid at ang nararamdamang humidity o alinsangan sa katawan.

Dagdag ni Solis na sa ngayon ay nakataas pa rin ang La Niña alert kung saan may mga tsansa pa rin ng pag-ulan sa ibang bahagi ng bansa.

Paalala naman ng PAGASA pagdating sa heat index na mararamdaman:

‘’Well, lagi po tayong mag-antabay sa lahat ng mga monitoring at saka mga warning na ipinapalabas ng PAGASA lalong lalo na itong heat index dahil ito ‘yung medyo makakaapekto sa kalusugan ng tao. So, dapat po tayong mag-ingat palagi, umiwas tayo ‘dun sa init ng araw lalo na ‘pag tanghali dahil medyo kapag mataas ang araw and then andaming kaulapan, mas warm and mas humid ang, mas mataas po ‘yung alinsangan so mas mataas po ang discomfort level natin.

Kaya uminom tayo palagi ng malinis na tubig, magsuot ng mga magaan, maluwag at ‘yung mga light-colored na mga kasuotan natin and then kung nakakaramdam tayo ng labis na pag-init sa katawan, ‘yung pamumula, medyo kakaibang pawis na ‘yung ating nararamdaman, at may pagkahilo na, pananakit ng ulo, so kailangan na sumangguni na tayo sa doktor. ‘Yan din ay kaisa tayo na kinakampanya po iyan ng Department of Health,’’ saad ni Solis.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble