NAKIKITA ni political analyst Prof. Froilan na nagdudulot ng kakulangan sa transparency ang hindi pagdalo ng mga opisyal ng ehekutibo sa ikalawang pagdinig ng Komite sa Senado ukol sa ilegal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Siyempre kung meron kang tinatago ang public sentiment diyan ay hindi ka talaga aattend sa mga pagdinig. So, I think ‘yung pagbibigay ng subpoena will be a step closer towards bringing them dito sa korte at sa Senado para magpatuloy yung ating mga pagdinig na ito, because we really believe that this is important,” pahayag ni Prof. Froilan Calilung, Political Analyst.
Ayon kay Prof. Calilung, ang kanilang hindi pagdalo ay nagiging hadlang sa pagsisiyasat at pananagutan ng mga awtoridad sa ilegal na pag-aresto sa dating Pangulo.
Dagdag pa ni Calilung, malaki ang epekto nito, lalo na’t napakahalaga na maisagawa ang mga pagdinig habang mainit pa ang usapin at upang malaman ng publiko kung ano ang mga dahilan ng mabilisan at posibleng kapalpakan sa proseso ng pag-aresto sa dating Pangulo na ngayon ay nasa The Hague, Netherlands matapos isuko ng Marcos administration.
“Definitely may malaking effect siya because you see right now mas mahalaga na magawa yung mga hearing while the issue is still very much sabihin na nating masyado pang mainit, because later on maaaring mag-wind down din naman siya, pero it will depend still on what will be happening in the future. Pero saking pananaw, kinakailangan talagang masimulan yung investigation na ito, so that the public has actually the ability and capability to know what really transpired,” aniya.
Tinutukoy rin ni Calilung ang pananagutan ng mga opisyal, partikular na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siyang foreign policy maker ng bansa, matapos mabunyag sa imbestigasyon na may mga nakapasok sa bansa mula sa International Criminal Court (ICC), kahit wala silang hurisdiksyon dito.
“Definitely dahil nga hindi na tayo kabilang sa ICC, meron at meron talaga tayong pananagutan dyan. Just in case na nakipag-conive pa rin tayo, or tayo mismo yung nagbibigay ng mga detalye, ng mga papel at evidences, I think that is something na kailangan talaga i-admit,” aniya pa.
Sa huli, ayon kay Calilung, kung magpapatuloy ang hindi pagdalo ng mga opisyal, maaaring gumawa ang Senado ng mga legal na hakbang upang mapilitang dumalo sila sa mga susunod na pagdinig.
“It will depend on the court, so if I where Sen. Imee Marcos kung hindi talaga sila a-attend then we could go to the courts, to actually have a legal remedy for the issue,” pagtatapos nito.
Follow SMNI News on Rumble