Pananahimik ng mainstream media sa mga isyu ng bansa, pinuna ng mga Pilipino

Pananahimik ng mainstream media sa mga isyu ng bansa, pinuna ng mga Pilipino

MARSO 10, 2024 araw ng Linggo ang ika-limang araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally na inorganisa at pinangunahan ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Layunin ng naturang rally na ipabatid sa sambayanang Pilipino ang iba’t ibang isyung kinahaharap ngayon ng bansa na bunga umano ng pang-aabuso sa kapangyarihan ng kasalukuyang administrasyon sa mga Pilipino.

Kabilang na ang isyu ng korapsiyon, banta sa national security, kaliwa’t kanang taas-presyo ng bilihin, at marami pang iba.

Kasabay rito ay kinuwestiyon din ng ilan sa ating mga kababayan ang pananahimik ng mainstream media sa mabibigat na isyu na kinakaharap ng ating bansa.

“Kaya nga po nakapagtataka na bakit walang mga mainstream media na nagko-cover po sa ating peaceful prayer rally dito sa Liwasang Bonifacio sa ikalimang araw na ginagawa po,” ayon kay Nyle Degraciam Member, KOJC.

“Kasi kung sa mga makakaliwang grupo na nagra-rally kahit saang lugar pinupuntahan dinudumog ng media bakit dito sa napaka-peaceful na prayer rally hindi niyo koni-cover?” saad ni Uela Abunda, Member, KOJC.

“So ito po ‘yung pang limang araw na prayer rally ng Laban Kasama ang Bayan at mapapansin natin na walang mainstream media ang pumupunta dito upang i-cover at upang ipaabot sa taong bayan ang panawagan ng prayer rally na ito” wika ni Allan Tamondong, Member, KOJC.

“Nasaan kaya ang mga media? meron akong nakausap na mediaman kahapon sabi ko alam niyo ba na dapat kayong lahat ay nasa Liwasang Bonifacio? Bakit sila kailangan na nandito?, dahil ang ginagawa sa SMNI ay testing ground ng mga politiko kung papaano bubusalan ang mga media” ayon naman kay Astra Pimentel-Naik ng PDP-Laban.

Ayon naman sa dating kadre na si Jeffrey “Ka-Eric” Celiz, malinaw na ang mga isyu ng bansa kagaya ng kurapsiyon, panunupil sa malayang pamamahayag at iba pa ay wala sa interes ng mainstream media, aniya tanging negosyo lamang ang mahalaga sa mga ito.

“Obvious naman na ang mainstream media hindi nila na-appreciate ang pagtitipon na ito sapagkat ang interest nila ay negosyo hindi ‘yung para sa taong bayan, ito ay isang pagtitipon para sa mga mamamayan, pagtitipon ito para ang taong bayan ay magkaroon ng sariling pagkamulat, ibig sabihin hindi ito ang nakikita ng mainstream media na pagmumulan ng kanilang negosyo,” ayon kay Jeffrey “Ka-Eric” Celiz, Former Kadre.

Mainstream media takot isiwalat ang katiwalian ng kasalukuyang administrasyon—Ka Eric

Dagdag pa ni Ka Eric, takot ang mainstream media na banggain at isiwalat sa mga Pilipino ang kurapsiyon, terorismo, at tunay na estado ng ating bansa.

“Siguro takot sila na banggain ang kapangyarihan ng kasalukuyang gobyerno at hindi sila handa para tumaya sa interes ng mga karaniwang mamamayan,” ayon pa kay Celiz.

Tanging ang SMNI lamang ang nangungunang media network na nagbigay ng programa at oras nang libre at walang bayad na hinihingi sa pamahalaan upang magamit sa pagpapakalat ng impormasyon kung gaano ka walang hiya ang komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF, bagay na hindi ginawa ng mainstream media.

“At mula’t simula lalong-lalo na pagdating sa terorismo, tanging SMNI lamang ang matapang na humaharap sa kabila ng si Pastor ay nag-iisa lamang para labanan ang terorismo na ito. Noon pa man sa ganitong laban, ang mainstream media ay hindi po sila maaasahan sa mga ganitong isyu ng bansa,” diin ni Celiz.

KOJC members, nilinaw na hindi pag-aaklas ang ginawang prayer rally

Samantala, ayon sa mga miyembro ng KOJC, hindi pag-aaklas ang kanilang ginawang prayer rally bagkus ito ay pagmumulat sa taong bayan sa mga katiwalian at pagpapasa-walang bahala ng kasalukuyang administrasyon.

“Isinusulong namin na ibalik ang kapangyarihan at kalayaan sa taong bayan.”

“Siyempre we must protect our constitution kasi parang binababoy na ng ibang.., hindi naman lahat ah.”

“Lalo na ‘yung People’s Initiative, we are not for sale, Filipinos are not for sale, ‘yun po ang isa sa mga isinusulong natin as a member at worker ng (KOJC) ipinagtatangol po namin ang karapatan, ni Pastor ACQ na binabastos po kung saan alam po natin na ang Kongreso at Senado ay hindi po hukuman.

Marami pa po ‘yan na isinusulong namin, ‘wag po kayong magbingi-bingihan at ‘wag po kayong mag bulag-bulagan,”  ayon pa kay Abunda.

“Linawin lang natin na ang prayer rally na ito ay hindi ito laban sa isang tao, hindi ito laban ng relihiyon, laban ito ng kinabukasan ng bansa natin, alam nyo naman na marami na ang nangyayari ngayon na kahirapan, marami na ang nangyayari ngayon na in-hustisya, marami ngayon ang nangyayari na mga anomalya, gayon din ang isyu ng terorismo, hindi lingid ‘yan sa ating mga kababayan,” pahayag ni Allan Tamondong, Member, KOJC.

Kahit hindi miyembro ng KOJC ay nagpahayag din ng kanilang mga panawagan at pagkakaisa ang Muslim at IP community.

“Hindi po ito usapin kung anong religion tayo, Muslim man o mapa-Katoliko po, ito po ay para mapabago po natin ‘yung Pilipinas,” ayon kay Naylen Lagyal, Muslim Community Based in Maharlika, Taguig City.

“Kami po ang inyong mga kapatid na katutubo ay nakikiisa po sa inyo, magsama-sama po tayo bilang isang bayan upang ating bawiin ang katarungan at kalayaan para sa ating bayan” ayon naman kay Bawan Jake Lanes, Exec. Dir. Mindanao Indigenous Peoples Council of Elders and Leaders.

Patuloy namang hinihikayat ng KOJC ang mga Pilipinong tunay na nagmamahal sa bayan na sumali sa Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally at huwag matakot na magsalita laban sa katiwalian ng pamahalaan.

“Kaya kung maduduwag tayo at mananatili na ang SMNI lamang ang magiging matapang para harapin itong mga balakid sa kaunlaran na magbebenepisyo para sa kinabukasan ng taong bayan, ano na lang kaya ang mangyayari kung wala ang SMNI. Kaya kami po ay nananawagan at dito po sa Laban Kasama ang Bayan, tayo na mga Pilipino na naririto ngayon concern po natin lahat ito, ‘wag po natin papayagan na merong isang namumuno sa atin na hindi niya kayang ibigay kung ano yong hinihingi ng mga Pilipino” ayon pa kay Tamondong.

Ang Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally ay magtatapos sa Martes, Marso 12, sa mga nais na magpahayag ng kanilang mga hinaing at saloobin sa gobyerno, welcome po kayo, maaari lamang magsuot ng puting t-shirt.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble