IBA’T ibang grupo at sektor ang nakiisa sa “Bring Him Home: A Prayer for Tatay Digong” na isinagawa sa Liwasang Bonifacio sa Maynila at iba’t ibang lugar sa bansa noong Marso 16.
Sa naturang pagtitipon, sigaw ng mga tagasuporta ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang hustisya para dito at ang pagbabalik nito sa Pilipinas.
Kamakailan, ilegal na inaresto at isinuko ng administrasyon ni BBM ang dating pangulo sa International Criminal Court (ICC) dahil umano sa crimes against humanity sa ilalim ng kaniyang “War on Drugs” campaign.
Hindi naman mapigilan ng mga dumalo sa prayer rally na maiyak at maging emosyonal dahil sa hindi makatarungang ginawa sa dating pangulo na maraming nagawa para sa mga Pilipino.
Kabilang sa mga dumalo sa prayer rally ang PDP-Laban senatorial candidate at ilang personalidad.
Bukod sa Liwasang Bonifacio, isinagawa rin ang “Bring Him Home: A Prayer for Tatay Digong” sa iba’t ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.