INAASAHANG makipagkita si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kay U. S. President Joe Biden sa Amerika sa Mayo 1.
Ito ay ayon kay Whitehouse spokesperson Karine Jean-Piere.
Pahayag ni Piere, pag-uusapan ng 2 lider ang pagpapalakas ng economic relations ng U.S. at Pilipinas.
Bukod dito, tatalakayin nina Biden at Marcos ang pagpapalakas sa matagal nang alyansa ng U.S. at Pilipinas.