Pangarap na mala-eroplanong bahay, tinupad ng isang lalaki sa Cambodia

Pangarap na mala-eroplanong bahay, tinupad ng isang lalaki sa Cambodia

NAGMULA sa pangarap na makasakay ng eroplano, ito ang naging inspirasyon ng isang lalaki sa Siem Reap, Cambodia upang tuparin ang dream house na lumilipad.

Si Chrach Pov ay isang construction worker na matagal nang nangarap na makasakay ng eroplano kaya naman ay nagsumikap ito, at nag-ipon sa loob ng tatlumpong taon upang maabot ang lumilipad na ika nga’y lifelong dream.

Ayon kay Pov, umabot na sa 20,000 dollars o katumbas ng isang milyong piso na raw ang kanyang gastos rito.

Ang dream house ni Chrach Pov ay tumatayo 6 feet above the ground na may dalawang kwarto at palikuran.

Ang kongkretong istraktura ay may makina, pakpak at tailplane din na umagaw sa pansin ng mga netizens sa Siem Reap.

Plano rin ni Pov na magtayo ng coffee shop sa tabi ng kanyang bahay para sa mga bisita, at umaasa pa rin na balang araw ay makakalipad siya sa isang tunay na eroplano.

Isa lamang ang kwento ni Chrach Pov na ano man ang pangarap mo sa buhay, kung ikaw ay naniniwala at pagsusumikapan ito, tiyak na maaabot ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter