Pangatlong local partner ng Miru para sa 2025 midterm polls, umatras

Pangatlong local partner ng Miru para sa 2025 midterm polls, umatras

TINIYAK ng Miru Systems na hindi maapektuhan ang kalidad ng kanilang serbisyo para sa 2025 midterm polls kahit pa umatras ang isa sa kanilang local partners.

Kasunod ito sa ibinahagi ni Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia kung saan sa isang liham na kaniyang natanggap, umatras na ang St. Timothy Construction Corporation.

Ito sana ang partner ng Miru para sa pag-susuplay ng software, hardware at printing machines na dinala na sa National Printing Office.

Tanging ang Integrated Computer Systems Inc. at Center Point Solutions and Technologies Inc. na lang ang natirang local partners ng South Korean firm na Miru.

Sa panig ng COMELEC, kaagad na nilang inaksyunan at ni-refer sa Law Department ang sitwasyon upang magkaroon ng agarang pag-aaral kung ano ang dapat aksiyon ng COMELEC.

Agad ring mapag-aralan kung ano ang mga obligasyon na meron ang natitirang partners.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble