Panggigipit kay Pastor ACQ at sa SMNI, pagsisisihan ng mga politiko—Atty. Roque

Panggigipit kay Pastor ACQ at sa SMNI, pagsisisihan ng mga politiko—Atty. Roque

INIHAYAG ngayon ni Atty. Harry Roque na pagsisisihan ng mga politiko ang ginagawang panggigipit kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa SMNI.

Buwan ng Pebrero 1986, nagtipon-tipon at nagkaisa ang milyun-milyong Pilipino sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA).

Bitbit ng mga ito ang iisang layunin at ito ay ang mapatalsik sa puwesto ang noo’y pangulo ng bansa na si Ferdinand Marcos Sr.

Ang nagkakaisang boses ng sambayanan noon ay naging matagumpay at nakaukit na sa kaysaysayan.

Ngayong taong 2024 mauulit kaya ang ganitong pangyayari?

Ang planong pagpapatanggal sa prangkisa ng SMNI, umano’y panggigipit kay Pastor Apollo at ang kaliwa’t kanang problema ng bansa ang dahilan kung bakit araw-araw kinakalampag ng libu-libong mga Pilipino ang Liwasang Bonifacio.

Ayon sa dating tagapagsalita ng Malacañang na si Atty. Harry Roque pagsisisihan ng mga politiko ang ginagawang panggigipit ng mga ito sa mga inosenteng Pilipino.

Aniya kilala na ngayon ng mga Pilipino kung sinong mga politiko ang kanilang isusuka dahil sa patuloy na panggigipit.

“’Yan po ay pagsisisihan ng mga politiko kasi ang ating … ay si Andres Binifacio at alam nila na ang mga Pilipino isusuka ang mga kalaban ng karapatan, isusuka ang mga lahi ng nang-aapi, isusuka ang mga tao na pumapatay sa demokrasya,” pahayag ni Atty. Harry Roque, Former Spokesperson, Malacañang.

Dagdag pa nito dahil aniya sa ginagawa ngayon ng gobyerno laban sa butihing Pastor ay maituturing na milagro dahil sa wakas ay lumantad na sa publiko ang tunay na nagmamahal sa bansang Pilipinas.

“Akala nila ang pagpapakaso kay Pastor ay katapusan na, hindi nila alam ‘yan ang milagrong inaantay natin,” dagdag ni Atty. Roque.

Kaugnay rito, upang hindi na dumami pa ang may galit sa gobyerno, mayroon namang payo si Atty. Harry sa mga politiko na nasa katungkulan.

“Hay naku ang mga tao na nanggigipit dapat mag-isip din dahil pag hindi sila nag-isip dahil binibigyan nila ng pabor ang mga taong nais nilang gipitin,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble