Pangingialam umano ng first lady sa Marcos appointees, isiniwalat ng dating ES

Pangingialam umano ng first lady sa Marcos appointees, isiniwalat ng dating ES

SUNOD-sunod na rebelasyon ang lumalabas ngayon laban sa maybahay ng Pangulo na si First Lady Liza Araneta-Marcos.

Ayon sa dating executive secretary ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez, isang listahan aniya ng mga pangalan na nais ilagay sa posisyon sa gobyerno ang ibinigay ni FL Liza Araneta-Marcos sa kaniya noon.

Kabilang sa tinutukoy ni Rodriguez ay ang Bureau of Customs (BOC), Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), at Bureau of Internal Revenue (BIR) o ang mga ahensiya ng gobyerno kung saan direktang dumadaloy ang pera ng mamamayan.

Ilang pangalan din mula sa nasabing listahan ng first lady ang ibinunyag ng dating ES gaya nina Mel Robles at Michael Ma.

Matatandaang naging sentro ng kontrobersiya ang PCSO dahil sa sunod-sunod na pagkakasungkit ng lone bettors sa jackpot prize.

Sa ulat pa, mahigit P2.4-B ang napanalunan sa loob lamang ng 11 lotto games simula Disyembre 2023 hanggang Enero 2024.

Nauna nang itinanggi ng first lady na sangkot siya sa pagtatalaga ng mga government official dahil trabaho aniya ito ng Pangulo.

Sinabi naman ni Rodriguez na mahihirapan ang Marcos admin na itanggi ang bagay na ito lalo’t hindi lang naman siya ang nakakaalam patungkol dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble