KUMALAS ngayong araw sa pagtakbong Senador sa 2022 elections si Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa hindi inaasahan ay biglang nagtungo ngayong hapon sa Comelec main office sa Intramuros si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay para opisyal na kumalas sa pagtakbong Senador sa nalalapit na 2022 elections.
Kinumpirma naman ni Comelec Spokesperson Dir. James Jimenez official withdrawal ng Certificate of Candidacy ng Presidente.
Sa likod ng Comelec building dumaan ang Presidente.
Narito naman ang statement of withdrawal ng Pangulo na ibinahagi ng Comelec.