Pangulong Duterte inatasan ang Cebu na sundin ang IATF protocols para sa mga returning OFWs

Pangulong Duterte inatasan ang Cebu na sundin ang IATF protocols para sa mga returning OFWs

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang lalawigan ng Cebu na sundin ang protocols para sa mga Returning Overseas Filipino Workers (OFWs) na itinakda ng IATF.

Sa ilalim ng IATF rules, ang bawat dumarating na mga Filipino ay kinakailangan na  sa 10 days quarantine bago ito isalang sa RT-PCR testing sa ikapitong araw sa kanyang pagdating.

Matatandan na agad na nagsasagawa ng tests ang lalawigan ng Cebu para sa mga umuuwing OFWs sa kanilang pagdating at sumailalim ulit sa testing sa kanyang ika-pitong araw habang naka home quarantine.

Una nang nagkita sina Pangulong Duterte at Cebu Governor Gwen Garcia upang pag-usapan ang pagpaliban sa protocols para sa inbound travelers.

Cebu, inoobliga na ang negative RT-PCR o antigen test sa mga biyahero mula Bohol at Negros Provinces

Obligado na ang mga biyahero mula Bohol at probinsya ng Negros na papuntang Cebu na magpresenta ng negative RT-PCR o antigen test simula Hunyo 14.

Ayon sa Cebu provincial government, ang RT-PCR test ay kailangan ginawa 72 oras bago ang kanilang biyahe habang ang rapid test ay dapat isinagawa 48 oras bago ang kanilang pagbiyahe.

Tatagal ang papi-presenta ng negative COVID-19 test hanggang Hulyo 24.

Sinabi ni Gov. Gwen Garcia na ipinatupad ang requirements bilang karagdagang pag-iingat matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Bohol at Negros Occidental.

Dagdag pa ni Garcia, kabilang ang Negros Occidental dahil bahagi ito sa border kasama ang Negros Oriental.

SMNI NEWS