Pangulong Duterte, inatasan ang PDEA na magsumite sa ICC ng report ukol sa ilegal na droga

Pangulong Duterte, inatasan ang PDEA na magsumite sa ICC ng report ukol sa ilegal na droga

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsumite ng report sa Human Rights groups at International Criminal Court (ICC) ukol sa bilang ng toneladang ilegal na droga na nakapasok sa Pilipinas.

“Magbigay kayo ng isang report lang siguro PDEA, lahat ng datos na ibigay ng ano, mga different law enforcement agency at ibigay sa Human Rights. Iyong dito, ‘yung Human Rights dito iyong nagdadala ng ICC,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sa Talk to the People Address ni Pangulong Duterte nitong Martes ng gabi, sinabi nito na tone-toneladang ipinagbabawal na gamot kabilang ang mga shabu at marijuana ang pumapasok sa bansa na sumisira ng buhay ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan.

“Ibigay tapos ibigay ninyo ang kopya ng ilang toneladang shabu araw-araw na dumadagsa sa Pilipinas and let them ponder on — on the number of Filipino, iyang younger generation, itong mga ecstasy, iyong mga tawag nila na mga cocktail ano para nila kung gaano talaga kabigat. In spite or despite of our talagang double time na ano, marami pa rin,” ani Pangulo.

Kaugnay nito, pinayuhan ng Punong Ehekutibo ang mga kritiko na pag-aralan nang maigi ang sitwasyon ng droga sa Pilipinas bago batikusin ang administrasyon.

Bago ang pahayag ng Pangulo, nagbigay ng ulat si Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nakapagsagawa ang mga awtoridad ng 1,162 anti-illegal drugs operations mula Marso 20 hanggang 26.

Follow SMNI NEWS in Twitter