Pangulong Duterte, nananatili pa rin sa ‘very good’ ang net satisfaction rating – SWS survey

Pangulong Duterte, nananatili pa rin sa ‘very good’ ang net satisfaction rating – SWS survey

BAGAMA’T malapit nang matapos ang kanyang termino, nananatiling ‘very good’ ang net satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay base sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SW) noong December 2021.

Sa isinagawang 2022 SWS Survey Review forum, sinabi ni SWS President and CEO Linda Luz Guerrero na tinatamasa pa rin ni Pangulong Duterte ang ‘honeymoon phase’ dahil nananatiling mas mataas sa +30 hanggang +49 net satisfaction ratings nito.

Base sa datos ng SWS, ang nasabing net satisfaction rating ay mas mataas nang walong porsyento kaysa noong Setyembre 2021; pero mas mababa naman ito nang labingsiyam na porsyento kung ikukumpara noong Nobyembre 2020.

Matatandaang nasa +45 ang naitalang pinakababang net rating ng Pangulo.

Dagdag pa ni Guerrero, ilan sa mga dahilan kung bakit nananatiling mataas ang satisfaction rating ng Pangulo ay dahil sa malakas na basend suporta, kasiyahan sa pamamalakad ng administrasyon, gayundin sa kanyang ‘perceived decisiveness and diligence,’ o ang pagtingin sa kanyang pagpapasya at pagpupursige sa pamamahala.

Kung ikukumpara ang net satisfaction rating sa mga nakaraang administrasyon mula panahon ng Cory administration, si Pangulong Duterte ang mayroong pinakamagandang numerong naitala sa kasaysayan ng bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter