RUMESBAK si Pangulong Rodrigo Duterte kay Senador Richard Gordon matapos ang cheap remark ng senador sa Pangulo.
Binalingan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Gordon matapos siyang tawaging “cheap” ng senador kasabay ng pagpuna sa mga ambulansya ng Philippine Red Cross na pinamumunuan ni Gordon.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang paglalagay ng mukha ng senador sa ambulansya ay isang cheap political gimmick.
“I’m wondering why ako na ngayon ang naging cheap politician na itong isang bright boy sa Olongapo, iyong mukha niya, iyong mga ambulansya niya, nandiyan ‘yung mukha niya. Sabihin mo ‘cheap.’ Well, ako naman sinasabi ko you are a person who milked [the] government and the Red Cross both, because you sign for the Red Cross, you sign for [the] government,” pahayag ni Pangulong Duterte.
Samantala, kaugnay naman sa pagbibigay ni Gordon sa kanyang PDAF sa PRC ay pinasaringan din ng Pangulo.
Aniya dahil sa ginawa ni Gordon ay dapat matagal na itong nademanda.
“May PDAF ka, saan mo binigay? Senator ka, binigay mo doon sa sarili mo sa Red Cross. Do not say that Red Cross and ikaw ay separate identity. That’s b***s***. Alam lahat ng abugado ‘yan. You — you are a dual personality which is, you know, banned or prohibited by law. Dapat noon pa, dinemanda ka na,” ayon sa Pangulo.
Sa isang panayam kay Gordon ay kinumpirma naman ng senador na naibigay nito ang ilang bahagi ng kanyang PDAF sa PRC.
Pero giit nito ay hindi irregular ‘yon at liquidated naman ng DSWD at hindi rin aniya pina-flagged ng COA.
BASAHIN: Gordon, tinawag na pathological storyteller ni Pangulong Duterte