LILIPAD patungong Malaysia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw, Hulyo 25.
Inimbitahan si PBBM ng King of Malaysia para sa isang state visit mula Hulyo 25-27.
Makakasama ni Pangulong Marcos ang kanyang cabinet officials at ilang business delegation bilang bahagi ng kanyang trade and investment promotion sa pagbisita sa estado, na tataon sa ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa.