Pangulong Marcos nakipagpulong sa Mitsui & Co.

Pangulong Marcos nakipagpulong sa Mitsui & Co.

SA unang araw ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. sa Tokyo ay agad itong nakipagpulong sa Mitsui & Co.

Isang dinner meeting ang dinaluhan ni Pangulong Marcos at ng Philippine delegation kasama ang mga executive ng Mitsui and Company at Metro Pacific Investment Corporation.

Sumentro ang naging talakayan sa magiging pakikipagtulungan ng pamahalaan at ng mga Japanese companies upang mamuhunan ito sa Pilipinas.

“The partnership between Japan, Mitsui and the Philippines the long standing..the transformation,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Present din sa meeting ang mga executives ng Metro Pacific Investments Corporation.

Huwebes ng umaga Pebrero 9 ay nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga pinuno ng semi-conductor electronics and wiring harnesses companies, susundan ng roundtable meeting ng tourism stakeholders at CEOs ng Japanese shipping companies katuwang ang Philippine Private Sector counterparts.

Follow SMNI NEWS in Twitter