Pangulong Marcos, pinangunahan ang ika-9 na Cabinet meeting ngayong araw

Pangulong Marcos, pinangunahan ang ika-9 na Cabinet meeting ngayong araw

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ika-9 na Cabinet meeting sa Palasyo ng Malakanyang ngayong Martes, Setyembre 27.

Katabi ni PBBM ang bagong itinalagang Executive Secretary na si ES Lucas Bersamin.

Pangunahing natalakay sa naturang pulong ang patungkol sa economic agenda ng Marcos administration.

Partikular dito ang pagsusumikap ng pamahalaan na tiyakin ang pagtalima sa Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW).

Tinalakay ito ng Maritime Industry Authority (MARINA), Commission on Higher Education (CHED) at Department of Migrant Workers (DMW).

Habang ang Department of Labor and Employment (DOLE) kasama rin ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at CHED ay tinalakay ang pag upgrade ng kasanayan at kahusayan ng Filipino workforce.

Follow SMNI NEWS in Twitter