Pangulong Marcos, vineto ang ilang probisyon ng 2023 National Budget

Pangulong Marcos, vineto ang ilang probisyon ng 2023 National Budget

VINETO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilang probisyon ng 2023 National Budget o Fiscal Year 2023 General Appropriations Act (FY 2023 GAA).

Ayon kay Pangulong Marcos, walang kaugnayan ang mga ito sa bagong approved appropriations at maaaring mag-amyenda ng mga mahahalagang batas.

Kabilang sa mga na-veto ng Punong-Ehekutibo ay ang Department of Labor and Employment (DOLE)-National Labor Relations Commission (NLRC), Special Provision No. 1, “Use of Income,” Volume 1-A, Page 1157.

Na-veto rin ang Department of Education (DepEd)-Office of the Secretary (OSEC), Special Provision No. 4, “Revolving Fund of DepEd TV,” Volume I-A, Page 197, considering na walang batas na nagpapahintulot sa DepEd na magtatag ng isang revolving fund para sa nasabing layunin.

Bukod sa mga ito, ay ivineto rin ni Pangulong Marcos ang probisyon na “in no case shall the appropriations be utilized to change the tourism campaign slogan” sa ilalim ng Department of Tourism (DOT)-OSEC, Special Provision No. 4, “Branding Campaign Program,” Volume I-B, page 313.

Nilayon aniya nitong limitahan ang pagsasagawa ng mga tungkulin ng Executive Branch sa implementasyon ng RA No. 9593 (The Tourism Act of 2009).

Follow SMNI NEWS in Twitter