Pangulong Rodrigo Duterte, bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy ilang araw matapos ang kanyang kaarawan

Pangulong Rodrigo Duterte, bumisita kay Pastor Apollo C. Quiboloy ilang araw matapos ang kanyang kaarawan

BUMISITANG muli si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa The Kingdom of Jesus Christ compound upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang matalik na kaibigang si Pastor Apollo C. Quiboloy kasabay ng ilang senatoriables na nagpaabot din ng kanilang pagbati sa Pangulo.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi niya maimbita ang butihing pastor sa kanyang mismong kaarawan kaya siya na lamang ang bumisita.

Nagkaroon naman ng salo-salo, at masayang pag-uusap ang dalawang magkaibigan.

Kabilang sa ilang mga bumisita ay sina former Secretary of National Defense Norberto Gonzales, House Deputy Speaker Loren Legarda, actor Robin Padilla, former Defense Secretary Gilbert Teodoro, former Presidential Spokesperson Harry Roque at Senator Christopher Bong Go.

Samantala, naging masaya naman ang talakayan ng bawat isa, at kabilang sa mga kaganapan ang pag aalay ni Pastor Apollo ng taimtim na panalangin sa ilang mga senatoriables.

Labis naman ang pasasalamat ng mga ito sa pagkakataong makasama ang butihing pastor at sa mainit na pagtanggap sa kanila.

Ayon naman kay Pastor Apollo, hiling nito na bukod sa mabuting kalusugan ay sana ay mas madalas nitong makasama ang matalik na kaibigan.

Samantala, nang tanungin ang pangulo sa kanyang hiling para sa kanyang kaarawan ito ang kanyang naging pahayag.

“My birthday wish is that my country will find the peace that we all wanted,” wika ni PRRD.

 

PRRD dadalo para sa event ng Joint National Task Force – Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-RTF ELCAC)

Ito ang inanunsyo ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar sa isang pulong-balitaan sa Malakanyang.

Ani Andanar, isa ang NTF-ELCAC sa pinaka-importanteng legasiya na nagawa ni Pangulong Duterte.

Bukod sa naturang kaganapan, pupuntahan din ng Chief Executive ang campaign rally ng Partido ng Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Cusi Wing doon pa rin sa probinsya ng Cebu.

Samantala, wala pa ring ideya ang Malakanyang kung mag-i-endorso ba si Pangulong Duterte ng presidential candidate.

Sambit pa ng Palace official, maraming nagtatanong at maraming nag-aabang, kasi nga maituturing aniya na game-changer kapag si Pangulong Duterte ang nag-endorso.

Kung matatandaan, nakamit ni Pangulong Duterte ang landslide victory noong 2016 Philippine presidential elections.

Samantala, inihayag ni Pangulong Duterte na tama lamang ang kanyang desisyon na tanggihan ang alok ng oligarko na pondohan ang kanyang 2016 presidential campaign.

Ang pahayag ng Punong-Ehekutibo ay kasabay ng kanyang paninindigan na i-dismantle o lansagin ang oligarkiya sa bansa.

“Sabi ko, itong mga oligarch, it can never… Kaya ‘yung iba diyan, hindi ko tinanggap ‘yung election contribution ninyo, campaign funds I never regretted it or I do not regret it. Pagdating ng panahon, yari kayong lahat,” ani Duterte.

Pinayuhan naman ni Pangulong Duterte ang mga botanteng Pilipino na maging maingat sa pagpili ng susunod na mamumuno ng bansa.

Sabay nagbabala laban sa posibilidad na mababahiran ng korapsyon ang darating na halalan.

Una nang nagbigay ng babala ang Pangulo sa mga botante, na maliban pa sa party-list groups na may alyansa sa rebeldeng komunista, ay dapat ding maingat sa pagboto ang mga ito sa grupo na kontrolado ng mga mayayaman.

Magugunitang inihayag ni Pangulong Duterte noong nakaraang taon na nagawa niyang ma-dismantle ang oligarchs na kumokontrol noon sa gobyerno.

Sabi pa ng Malakanyang na sa nalalabing panahon, ay tuluy-tuloy pa rin sa pagtatrabaho si Pangulong Duterte partikular nga dito sa unfinished business tulad nitong sa NTF-ELCAC, pagbangon mula sa negatibong epekto ng COVID-19 at pagsiguro na mayroon malinis, patas at tapat na eleksyon sa darating na Mayo.

Follow SMNI News on Twitter