Pangunahing suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon, arestado ng PNP

Pangunahing suspek sa pagpatay sa brodkaster na si Juan Jumalon, arestado ng PNP

ALAS tres diyes ng madaling araw ng Lunes Abril 29, 2024 nang masakote ang prime suspect sa pamamaslang sa brodkaster na si Juan Jumalon alyas Johnny Walker ng Misamis Occidental.

Sa pulong balitaan sa Kampo Krame, inanunsiyo ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo ang pagkakaaresto kay Julito Mangumpit o alyas Ricky sa pinagsanib na operasyon ng Misamis Occidental at Zamboanga del Norte PNP.

Una nang naaresto noong Marso ng taong kasalukuyan ang dalawa sa tatlong suspek sa pagpatay sa brodkaster.

Matatandaang binaril at pinatay ng isang gunman ang biktima sa loob ng kaniyang bahay sa gitna ng kaniyang live program noong Nobyembre 5, 2023, habang nakabantay sa labas ng kaniyang bahay ang dalawa pang suspek.

Ayon kay Fajardo, sa pagkakahuli kay Mangumpi ay “accounted for” na ang lahat ng suspek sa brutal na krimen, para mapanagot sa batas.

Samantala, agad naman igagawad ng PNP ang nasa P3.7-M na reward sa mga indibidwal na nagbigay ng impormasyon para mahuli ang mga suspek sa nasabing kaso.

Sa ngayon, ay pinili munang huwag isapubliko ang mga pangalan ng mga informant para sa kanilang seguridad.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble