Panibagong albums at world tours, inanunsiyo na ng TWICE at Stray Kids

Panibagong albums at world tours, inanunsiyo na ng TWICE at Stray Kids

IRE-release sa Pebrero 2024 ang ika-13th extended play ng K-pop girl group na TWICE.

Sa inilabas na teaser video ng grupo, ang pre-release single na may pamagat na “I Got You” ay ilalabas sa Pebrero 2 habang sa Pebrero 23 ang kabuuang extended play na may pamagat na “With YOU-th”.

Ito na ang magiging latest release ng grupo kasunod sa “Ready To Be” extended play nila noong Marso 2023.

Sa kabilang banda, sa isang video na nai-upload ng K-pop boy group na Stray Kids kamakailan, inanunsiyo nito na magkakaroon sila ng ikatlong world tour at ika-apat na fan meeting ngayong taon.

Mayroon din silang panibagong album at special album.

Ang TWICE at Stray Kids ay pawang artists sa ilalim ng JYP Entertainment na naging talent agency na rin ng kapwa sikat na mga K-pop groups gaya ng GOT7, Wonder Girls, ITZY, NMIXX, at 2PM kung saan member ang aktor na si Ok Taec-yeon na tampok sa “Heartbeat” at Lee Jun-ho ng “King the Land” maging ang grupong Miss A kung saan member ang sikat na actress na si Bae Suzy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble