Panibagong batch ng mga OFW mula Sudan, balik-bansa na

Panibagong batch ng mga OFW mula Sudan, balik-bansa na

NASA kabuuang 85 na Pinoy mula Sudan ang nakauwi na ng bansa, araw ng Biyernes.

Ang mga naturang overseas Filipino ay lulan ng Saudia Arabian Airlines Flight SV862 na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Ayon sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ito ang pang-walong batch ng mga dumating mula sa bansang Sudan simula ng kaguluhan doon.

Kasamang sumalubong at nag-asikaso sa mga repatriates ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW).

Katulad ng mga naunang batch mula Sudan, sila ay tatanggap ng financial assistance, food and airport assistance, hotel accommodation, kung kinakailangan at transportation assistance para makauwi sa kanilang probinsiya.

Inihayag ng DMW na tuluy-tuloy ang ginagawang pagsisikap ng pamahalaan na mapauwi pa ang mga Pilipino mula sa bansang Sudan.

Sa ngayon mayroon pang naitalang higit 500 ng mga kababayan natin ang naiwan pa doon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter