Panibagong batch ng OFWs mula Lebanon, nakatakdang umuwi sa bansa

Panibagong batch ng OFWs mula Lebanon, nakatakdang umuwi sa bansa

NAKATAKDANG umuwi sa bansa ang panibagong batch na mga overseas Filipino worker (OFW) mula bansang Lebanon ngayong araw, Nobyembre 22, 2023.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) binubuo ng walong OFW ang uuwi sa bansa dulot ng patuloy na umiinit na tension sa pagitan ng Israeli Forces at ng Lebanese militant group na Hezbollah na nakikisimpatiya sa grupo ng Hamas ng Palestine.

Ang naturang mga returning OFW ay sakay ng Qatar Airways Flight QR928 na inaasahang lalapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-3 pasado alas 10:00 ng gabi.

Una nang naiulat ng Philippine Embassy sa Beirut na nasa 23 na mga OFW ang napauwi na ng pamahalaan mula Lebanon matapos itaas sa Level-3 ang crisis alert doon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble