Panibagong batch ng vaccines, dumating sa Davao City

Panibagong batch ng vaccines, dumating sa Davao City

MULING tumanggap ng panibagong batch ng vaccines ang Davao City na magagamit sa nagpapatuloy na vaccination drive ng lungsod.

Mas maraming Dabawenyo na ang maaaring mabakunahan ngayon sa pagdating ng panibagong batch ng mga bakuna kontra COVID-19 sa lungsod ng Davao.

Inaasahan din na ang karagdagang supply ng vaccine ay magiging mainam na panlaban sa bagong threat ng variants at makakatulong din sa nagpapatuloy na vaccination drive.

Ayon kay COVID-19 Task Force spokesperson Dr. Michelle Schlosser, nasa 24, 900 doses na ng Moderna vaccines ang dumating sa Davo City maliban pa riyan dumating na rin ang Pfizer-Biontech.

Subalit hinihintay pa nila ang regional department ng Department of Health (DOH) upang malaman ang bilang ng allocations para sa lungsod.

Hinihintay na rin ang supply ng panibagong batch ng vaccines na Sinovac na darating sa bansa.

Inihayag ni Schlosser na bagama’t may timeline ang Davao City kung kailan makakamit ang herd immunity ay dumidepende pa rin sila sa allocation ng vaccine mula sa national government.

Ayon pa sa opisyal target nilang mabakunahan ang 70 percent ng 1.8 milyong populasyon na katumbas na rin sa 1.2 na mga residente ng Davao.

At upang mapabilis rin ang vaccination rollout ay plano nilang maglagay ng mga karagdagang vaccination sites upang madagdagan ang mga accessibility ng publiko.

SMNI NEWS