MATAPOS ang rollback sa produktong petrolyo noong nakaraang linggo, posible itong masundan sa mga susunod na araw.
Batay sa monitoring ng oil industry sources, nasa P1.70 hanggang P1.90 ang magiging bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Nasa 90 sentimos hanggang P1.10 naman ang maaaring matapyas sa diesel, habang nasa P1.60 hanggang P1.80 ang ibababa sa kada litro ng kerosene.
Ang inaasahang bawas-presyo sa susunod na linggo ay bunsod ng pagtaas ng produksyon ng langis.
Noong nakaraang linggo, halos piso ang binaba sa presyo ng gasolina at diesel, habang higit piso naman sa kerosene.
Follow SMNI News on Rumble