Panibagong oil price adjustment, epektibo na ngayong araw

Panibagong oil price adjustment, epektibo na ngayong araw

EPEKTIBO na simula ngayong araw ng Martes ang panibagong price adjustment para sa produktong petrolyo.

Ang rollback ay dahil sa ipinatutupad na lockdowns sa China dala ng COVID-19 maging sa posibleng sa recession sa Europa at Amerika.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis, may bawas-singil na P.45 sentimos sa kada litro ng gasolina.

Aabot naman sa P1.45 ang mababawas sa kada litro ng diesel at P1.70 naman ang tapyas sa kada litro ng kerosene.

Ang nasabing rollback ay ipatutupad ngayong alas sais ng umaga ng mga kumpanyang Shell, Petron, Flying V, Jetti Petroleum, Petro Gazz, Seaoil,  PTT Philippines, Unioil at Phoenix Petroleum.

Nauna na ring nagpatupad ng kanilang price adjustment ang kumpanyang Caltex at Cleanfuel kaninang madaling araw.

 

Follow SMNI News on Twitter