Panibagong paggalaw sa presyo ng petrolyo, asahan ngayong linggo—DOE

Panibagong paggalaw sa presyo ng petrolyo, asahan ngayong linggo—DOE

ASAHAN ang panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo, ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon kay Assistant Director Rodela Romero ng Oil Industry Management Bureau, posibleng tumaas ang presyo ng gasolina mula ₱0.50 hanggang ₱0.70 bawat litro, habang bababa naman ang presyo ng diesel mula ₱1.30 hanggang ₱1.50 kada litro at ₱0.85 hanggang ₱1.00 ang kada litro ng kerosene.

Ipinunto ni Romero na ang pangunahing dahilan ng paggalaw ng presyo ay ang pagtaas ng oil inventory sa U.S., mga bantang taripa ni U.S. President Donald Trump laban sa Mexico at Canada, at ang pagdiriwang ng Chinese New Year.

Nakatakda ring mag-anunsyo ang mga kumpanya ng langis ng pinal na price adjustment ngayong araw bago ito ipatupad bukas, araw ng Martes, ika-4 ng Pebrero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble