Panibagong resupply mission ng AFP sa Ayungin Shoal, matagumpay

Panibagong resupply mission ng AFP sa Ayungin Shoal, matagumpay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang rotation and resupply (RoRe) mission sa BRP Sierra Madre nitong Linggo Oktubre 22, 2023.

Kinumpirma ito ng National Task Force on the West Philippine Sea (NTF-WPS) sa kanilang pahayag matapos na makapaghatid ng mga supply sa BRP Sierra Madre ang Philippine supply ships Unaizah May 1.

Ito ay sa kabila ng pagtatangka ng China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia (CMM) vessels na harangan, i-harass, at guluhin ang resupply operation.

Nauna nang kinondena ng Pilipinas ang mga delikadong hakbang na ito ng Tsina.

Binigyang-diin ng NTF-WPS na magpapatuloy ang regular na RoRe missions sa BRP Sierra Madre, na bahagi ng lehitimong pag-exercise ng pamahalaan ng administrative functions sa WPS, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), 2016 Arbitral Award, at lokal na batas.

Follow SMNI NEWS on Twitter