Paninindigan sa politika, iba’t ibang issue, hindi natalakay ni VP Sara sa pagitan nina FPRRD, PBBM

Paninindigan sa politika, iba’t ibang issue, hindi natalakay ni VP Sara sa pagitan nina FPRRD, PBBM

HINDI natalakay ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang plano kaugnay sa politiko o kahit ang anumang panindigan nito sa iba’t ibang issue sa pagitan nina Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Hindi na idinetalye pa ni VP Sara kung ano ang dahilan bakit naglabas ito ng naturang pahayag sa pamamagitan ng isang video sa kaniyang Facebook account.

Mula sa video statement, sinabi ng pangalawang pangulo na nag-aalala aniya para sa kaniya ang kaniyang ama at maging si PBBM.

Subalit, tiniyak niya sa dalawa na maipagpapatuloy nito ang kaniyang tungkulin bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) at Vice President ng Pilipinas.

Mula rin sa video, binigyang-diin ni Duterte na mainam kung tutukan muna ng mga nasa gobyerno ang mas importanteng mga usapin gaya ng pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon, terorismo, kriminalidad, at marami pang iba.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble