NAGKAKATOTOO ang ipinahayag ni Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman Atty. Don Artes na maabot ng 2023 MMFF Edition ang P1.061-B gross sales noong 2018.
Sa kasalukuyan, nasa P1.069-B na ang gross sales nito batay sa update hanggang Enero 9, 2024.
Kung ikukumpara pa, nasa 1,200 sinehan ang bukas para sa 2018 MMFF Edition ngunit ngayon, bagama’t nasa 800 lang ang bukas na sinehan ay mas malaki pa ang kita nito.
Posibleng madadagdagan pa ang gross sales ng 2023 MMFF Edition dahil pinalawig pa ito ng isang linggo.
Orihinal sana itong magtapos ang screenings noong Enero 8, 2024.