Pantawid Pasada at Fuel Discounts, aprubado na ni Pangulong Duterte

Pantawid Pasada at Fuel Discounts, aprubado na ni Pangulong Duterte

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rekomendasyon ng Department of Energy (DOE) na ipatupad ang P2.5 bilyong pantawid pasada at P500 milyong fuel discount program para sa mga magsasaka at mangingisda.

Ito ang iniulat acting Presidential Spokesperson Secretary Karlo Nograles kaugnay ng patuloy na pagtaas ng produkto ng langis sa bansa.

Ayon pa kay Nograles, patuloy na susubaybayan ng DOE ang sapat na supply at kalidad ng naturang produkto at titiyakin na walang magiging short selling.

Samantala, nanawagan ang Malacañang sa kongresona pag-aralan ang oil deregulation law sa gitna ng patuloy na oil price hike.

Sinabi ni Nograles na isa ito sa mga solusyon ng bansa upang maging handa sa mga epekto ng sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia na inaasahang magdudulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.