INIHAIN ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang HB 3099 na layong magkaroon ng ‘entrepreneurship subject’ sa junior at senior high school sa lahat ng private at public secondary schools sa buong bansa.
Layon ni Villar na maging ‘separate subject’ ang pagnenegosyo at maisali ito sa teaching curricula para maturuan ang mga batang Pinoy kung paano magnegosyo.
Batay sa datos, 90% ng ekonomiya ng bansa ay binubuo ng mga maliliit na negosyo kaya mainam ayon kay Villar ituro ito sa mga kabataan.
“Entrepreneurship education aids students from all socioeconomic backgrounds to think outside the box and nurture unconventional talents and skills,” diin ni Villar.
Layon naman ng kongresista na kilala rin sa larangan ng pagnenegosyo na palalimin ng mga kabataan ang kaalaman sa entrepreneurship sakaling magtayo ang mga ito ng sariling negosyo o kumpanya sa hinaharap.