INAASAHANG malalagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang panukalang 2025 national budget sa Disyembre 20, 2024.
Ayon ito sa inilabas na anunsiyo ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez.
Ang proposed budget para sa susunod na taon ay nagkakahalaga ng P6.352T.
Samantala, may ilang mga senador ang hindi pa pumirma sa BiCam report kaugnay sa naturang national budget.
Nais nina Sen. Migz Zubiri, Sen. Bong Go, at Sen. Bato dela Rosa na rebyuhin at pag-aralan muna ang committee report.
Absent naman sa naging BiCam Conference Committee nitong Disyembre 11, 2024 sina Sen. Koko Pimentel, Sen. Pia Cayetano, Sen. Imee Marcos, at Sen. Loren Legarda.