ISUSULONG ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito na maipasa ang isang panukalang batas na magpoprotekta sa maliliit na magsasaka at kanilang mga pananim mula sa epekto ng mga natural na kalamidad.
Inihain ni Ejercito ang Senate Bill No. 390 na nagmumungkahi na awtomatikong ilagay sa ilalim ng crop insurance program ng gobyerno ang lahat ng nagtatanim na may 8 ektarya ng lupang sakahan pababa.
Ayon pa sa senador ang pandemya at ang mga natural na kalamidad na tumama sa bansa ay hindi lamang nakaapekto sa pagkonsumo kundi higit pa sa produksyon ng sapat na pagkain.
Samantala ang panukala ay partikular na naglalayong palawakin ang kasalukuyang crop insurance program ng pambansang pamahalaan at mapabuti ang food security ng bansa.