Panukalang budget ni PBBM para sa 2024, pasado na sa Senado

Panukalang budget ni PBBM para sa 2024, pasado na sa Senado

WALA nang tanong-tanong na lumusot sa Senado sa loob ng 20 minuto ang panukalang budget para sa susunod na taon ng Office of the President (OP) na pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

“We also have to reduce the CF of the OP and also eliminate the intel funds of the OP as it is a civilian agency which is not and should not be engaged in intelligence gathering considering the workload of the OP,” pahayag ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, Senate Minority Leader.

Ito ay sa kabila ng panawagan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel na dapat itong bawasan ng confidential fund at tanggalan ng intelligence fund dahil isa lamang itong civilian agency.

Ang issue sa intelligence at confidential fund ay laging pasok sa headlines sa balita sa mga nakaraang linggo.

Ngunit sa budget deliberation sa Senado ay hindi ito naitanong o natalakay man lang.

“There are no colleagues [here], meaning they have a vote of confidence in your budget, so we will favorably endorse your budget for plenary consideration,” saad ni Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, Chair, Committee on Budget.

Ayon naman kay Executive Secretary Lucas Bersamin, na siyang naglatag sa panukalang budget ng Pangulo, ay naniniwala ang kaniyang departamento na sa hinihiling nitong alokasyon ay sapat lamang para magawa ng Pangulo ang kaniyang tungkulin bilang Punong Ehekutibo.

“We have crafted this budget within the parameters and processes set by the DBM from which we sought no special treatment,” wika ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Tumatagingting na P10.7-B ang panukalang budget ng OP sa susunod na taon. Mas mataas ito ng P1.7-B kumpara sa national budget ngayong taon.

42% o P4.56-B naman dito ay nakalaan sa confidential at intelligence funds.

Pero sa kabila ng mabilis na pagkakapsa ng panukalang budget ng OP sa nasabing komite sa Senado ay nilinaw ni Angara na posible pa itong magbago.

Maaari pa kasi itong amyendahan ng kaniyang mga kapwa senador pagdating sa plenaryo.

“Tingin ko anything is possible kasi period of amendments ‘yan. Hindi ko ma second guess ang aking mga kasamahan. Alam nyo naman na each senator is independent, may kanya-kanyang pananaw. Hindi ko ma-anticipate ang amendments nila,” ayon kay Sen. Juan Edgardo “Sonny” Angara, Chair, Committee on Budget.

Sa kabila nito ay binigyang-linaw rin ni Angara kung bakit hindi na kinuwestiyon sa Senado ang confidential funds ng Pangulo kumpara sa nangyaring debate sa confidential funds ni Bise Presidente Sara Duterte.

Paliwanag niya na ang P4.5-B confidential fund ni Pangulong Marcos ay parehong halaga lamang sa confidential fund noong ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“I think the difference with the Office of the President ay dati ng meron eh. So hindi na sya napag-usapan. Kasi dati nang meron at wala pang increase sa amount. Whereas dito sa OVP dati wala. I think that is the reason why may debate,” ani Angara.

Follow SMNI NEWS on Twitter