Panukalang pag-ban ng TikTok sa Pilipinas, isang paglabag—Atty. Roque

Panukalang pag-ban ng TikTok sa Pilipinas, isang paglabag—Atty. Roque

ISANG paglabag sa malayang pananalita ang panukalang pag-ban ng TikTok sa Pilipinas.

Ito ang sinabi ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa kaniyang programa sa SMNI News.

Tiniyak naman ni Roque na siya mismo ay dudulog sa Korte Suprema kapag itutuloy ang pag-ban ng TikTok sa bansa.

Matatandaan na ipinanukala ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya na i-ban ang TikTok dahil bukod sa galing ito sa China, malaki aniya ang posibilidad na nakukuha nila ang mga data maging ang mga private details ng mga subscriber nito.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng NSA sa posibilidad na ginagamit ng China ang TikTok app sa pang-eespiya.

Sa ngayon ay ipinagbabawal na sa security forces ng bansa ang paggamit ng TikTok.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble