DALAWANG medalya ang nakuha ni Pinoy paralympic swimmer Angel Otom mula sa Citi Para Swimming World Series Singapore na ginanap nitong Mayo 17-19, 2024.
Sa women’s 50-meter backstroke class S1-S5 event ay nakuha ni Otom ang gold medal.
Habang isang silver ang nakuha nito sa 50-meter butterfly class S2-S7 event.
Samantala, sa 2024 Paris Paralympics ngayong Agosto 30 hanggang Setyembre 8 ay maglalaro sina Otom at kapwa swimmer na si Ernie Gawilan.